Patay ang isang abogado ng Peryahan ng Bayan nang barilin ito ng isa sa riding-in tandem sa harapan ng gusali ng Justice Hall sa Dagupan City, Pangasinan, kaninang umaga.
Ang biktima ay kinilala ni Pangasinan Provincial Director, Col. Wilzon Joseph Lopez, na si Val Crisostomo, taga-Manaoag, Pangasinan.
Binawian ng buhay ang biktima sa Region 1 Medical Center dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa report ng pulisya, ang insidente ay naganap sa AB Fernandez Avenue, Barangay Bonuan Gueset, dakong 9:15 ng umaga.
Sa imbestigasyon, kalalabas lamang ng biktima sa Bulwagan ng Katarungan kung saan ito dumalo sa pagdinig sa hinahawakang kaso at nakatayo lamang sa lugar nang lapitan ng isang lalaking nakasuot ng itim na jacket at asul na helmet.
Bigla na lamang pinagbabaril ng lalaki ang biktima.
Tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklong kinalulunanan ng isa niyang kasabwat, patungo sa bahagi ng Binloc ng nabanggit na lungsod.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matunton ang mga suspek.
-Liezle Basa Iñ1igo