Hindi naging hadlang para sa ilang pulitiko ang pagkakasama nila sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte para magwagi sa eleksiyon.
Mangilan-ngilang pulitiko lamang, na kabilang sa listahan, ang bigong manalo sa eleksiyon o kaya ay kusa nang umurong sa pagkandidato. Habang ang iba naman ay hindi na nagtangkang tumakbo.
Ilan sa mga nangungunang kandidato sa partial result ng eleksiyon na nasa narco-list ay sina Oroquieta City Mayor Jason Paredes Almonte, sa 21,246 boto. Siya ay anak ni outgoing Rep. Jorge Almonte.
Panalo rin si Mayor David M. Navarro, ng Clarin, Misamis Occidental, sa botong 12,164.
Hindi kumandidato si outgoing Pangasinan Rep. Jesus Celeste, ngunit nangunguna sa botohan ang miyermbro ng Celeste political clan sa Bolinao.
Matindi naman ang laban nina Bolinao Mayor Arnold "Noli" Celeste at Metro Manila Development Authority General Manager Thomas Orbos, bilang representative ng unang distrito ng Pangasinan.
Panalo rin si Zambales Rep. Jeffrey Khonghun at anak niyang si Subic Mayor Jefferson Khonghun.
Inaasahang magwawagi rin sina Mayor Ferdinand Aguinaldo, ng Pasuquin, Ilocos Norte; Mayor Erlon Agustin, ng Camiling, Tarlac; at Mayor Cirpriano Violago, Jr., ng San Rafael, Bulacan; Mayors Caesar Perez, ng Los Baños, Laguna; Raul Palino, ng Teresa, Rizal; mayoralty bet Dennis Hernandez, ng Rodriguez, Rizal; Loreto Amante, ng San Pablo City, Laguna; Mayor Roderick Alcala, ng Lucena City, Quezon; at Mayor Eulalio Alilio, ng Lemery, Batangas; Rizal 2nd District board member Rommel Cruz-Ayuson; Mayor Cecilio Hernandez, ng Rodriguez; Mayor Julius Ronaldo Pacificador, ng Hamtic, Antique; Mayor Siegfriedo Alfuente Betita, ng Carles, Iloilo; Mayor Gamar Ahay Janihim, ng Siwarai, Zamboanga del Norte; Mayor Roberto Luna, Jr., ng Lingig, Surigao del Sur; Mayor Albert Palencia, ng Banga; Pablo Mondejar Matinong, Jr., ng Sto. Niño; Vice Mayor Abdulwahad Sabal, ng Talitay, Maguindanao; Mayor Vicman Kambang Montawal; at Vice Mayor Ohto Caumbo Monatawal, ng Datu Montawal, Maguindanao.
-Ben R. Rosario