Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong si Kauswagan, Lanao del Norte Mayor Rommel Arnado kaugnay ng pagpapagiba nito sa bahay ng tatlong residente, noong Oktubre 21, 2013.
Siyam na taong pagkakakulong ang inihatol sa kanya ng 1st Division ng anti-graft court nang mapatunayang nagkasala sa kasong (3 counts) grave coercion.
Si Arnado ay inaakusahang lumabag sa Article 266 ng Revised Penal Code nang hadlangan nito sina Ibra Sambuat, Osama Sambuat, at Farhana Sambuat na bumalik sa kani-kanilang bahay.
Sa rekord ng kaso, binanggit na kasama ni Arnado ang iba pang akusado na sina Rey Camanian, Lauro Diputado at pitong iba pa, sa pagpasok at pagkontrol sa lupain ng nasabing mga residente.
Bukod dito, giniba rin ng mga akusado ang bahay ng mga residente at tinangay pa ang kanilang kagamitan.
Natuklasan ng korte, walang karapatan ang mga akusado na palayasin ang tatlo sa lugar dahil may mga hawak na titulo ng lupain ang mga ito.
Sa kanilang pagharap sa hukuman, sinabi ng tatlo na ang grupo ni Arnado ay pawang miyembro ng Civil Service Unit (CSU) ng Philippine National Police (PNP), na nagbanta umanong papatay sa sinumang papasok sa naturang lugar.
Sa kanyang panig, sinabi Arnado na gumawa sila ng paraang nmapaalis ang tatlong complainant nang matuklasan umao sa kanilang imbestigasyon na pag-aari ng grupo ng isang Henry Dy ang lupain.
"It was not for the office of the mayor, the CSU nor the police to decide on their own who the real owners of the subject property are, without any directive from the proper courts. The said government offices cannot summarily remove the structures and force the Sambuats to leave the premises. If at all, the CSU members and the police personnel can maintain peace and order just by their mere presence, ensuring that no violence will erupt, without having to dismantle the properties and shelters of the Sambuats," ayon pa sa hukuman.