DENVER ( A F P ) – Nakaharap ni Dell Curry si Trail Blazers guard CJ McCollum sa loading dock n g Pepsi Center sa Denver. Matapos ang pagbibigay respeto, pabirong natanong si Dell, “Which shirt are you wearing” for the Western Conference final?
“Got to flip a coin,” pahayag ni Curry.
Walang biro, literal na gagamitin ng dating NBA star ang naturang pamamaraan para sa pagsuporta sa dalawang anak – Stephen at Seth Curry – na magtutuos sa Western Conference Finals simula sa Martes (Miyerkules sa Manila) sa Oakland, California.
Napagdesisyunan nang mag-asawang Dell at Sonya na idaan sa ‘toss coin’ para malaman kung sino sa kanilang dalawa ang magsusuot ng jersey para mag-cheer sa kanilang dalawang anak.
Sakaling makuha ni Sonya ang tao sa coin, magsusuot siya ng Blazers jersey para suportahan ang anak na si Seth, habang si Dell ang mgasussuot ng Warriors colors para kay Stephen. Sakaling buntot ang makuha ni Sonya, siya ang Warriors at si Dell ang sa Blazers.
Sa bawat laro ng best-of-seven series, ito ang paraan na gagawin nila para parehong makatikim ng suporta ang dalawang anak.
“Well, we have to flip to see who flips first,”pahayag ni Dell. “There’s going to be a lot of coin flipping going on.”
Plano ng mag-asawang Dell at Sonya Curry na manood sa bawat laro ng mga anak kung saan sasamahan nila ang manugang na si Ayesa sa home game ng Warriors at makakasama ang nobya ni Seth na si Callie Rogers sa home game ng Blazers.
“It would be great for Seth to get a (championship) ring, but we can’t root for one son over the other,” pahayag ng 54-anyos na si Dell Curry. “We’re just going to let it play out and have fun watching them both play.