Isang 45-anyos na lalaki na umano’y sangkot sa pagnanakaw ang pinagbabaril habang ito’y nasa harapan ng kanilang bahay sa Cordon, Isabela, kamakailan.
Kinilala ng Cordon Municipal Police ang biktima na si Requino Dacmeg , 45, ng Barangay Gayong ng nasabing bayan.
Sa report ng pulisya, pababa na ang biktima sa motorsiklo nito sa harapan ng kanilang bahay nang lapitan ng isang hindi nakikilalang lalaki at pinagbabaril ito, dakong 9:40 ng umaga.
Dead on the spot si Dacmeg dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon pa sa pulisya, ang biktima ay nauna na umanong idinawit sa isang insidente ng pagnanakaw sa nasabing bayan, kamakailan.
Narekober ng pulisya ang mga basyo ng bala sa crime scene.
-Liezle Basa Iñigo