Nasa 25 katao ang inaresto sa Maynila sa pagsuway sa liquor ban kaugnay ng eleksiyon.
Karamihan sa mga ito o 19 ay mula sa Binondo, at kinilalang sina Junefel Acebes, 24; Edison Acuyado, 34; Anthony Casio, 34; Joel Olisco, 35; Angelito Manalac, 20; Marlon Amoroso, 19; Nestor Olmido, 26; Angelo Medrano, 18; Ariel Nolasco, 36; Jhon Paulo Cruz, 22; Prince Jimenez, 20; Florante Marabe, 60; Ariel Juanillo, 27; Jerry Ponelas, 20; Marvin Alcantara, 30; Jay-R Carllas, 21; Reynlod Atillo, 30; Peter Bajar, 54; at Renato Aji, 36.
Karamihan sa kanila ay sinalakay sa loob ng Riverside, 3M, Redlight, at Juancho KTV bars, na pawang nasa Muelle dela Industria sa Binondo, dakong 1:00 ng madaling araw hanggang 2:00 ng madaling araw ngayong Linggo.
Habang apat na lalaki ang nahuling nag-iinuman sa kahabaan ng Muelle de Binondo corner Tabora Street.
Samantala, anim na iba pa, na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan, at nalambat sa Tondo, Sampaloc, at Sta. Mesa.
Nakakulong ang mga suspek sa kani-kanilang police stations, nahaharap sa paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code.
-Ria Fernandez at Mary Ann Santiago