SA May 7-8 outing ng Philippine Movie Press Club sa Agatha Resort sa Guiguinto,Bulacan kamakailan, humarap sa amin si incumbent Vice Gov. Daniel Fernando, kandidato para gobernador, at kaswal na nakipag-usap sa amin tungkol sa kampanyahan, na hanggang ngayong Sabado na lang pupuwede.“At least, malapit nang matapos ang sakripisyo at paghihirap,” bungad ni Daniel sa amin nang kumustahin namin ang pagiging busy niya ngayon.

Kumpiyansa si Daniel na magtatagumpay siya sa kanyang kandidatura.

“Tayo ay nangunguna sa lahat ng lehitimong survey. So lahat, 70-30, so okay naman, maganda naman ang takbo ng kampanya.

“’Yung init ng pagtanggap ng tao sa amin, lalo na sa akin since nung 2010, o nung Bokal ako, 2001 hanggang ngayon, ‘yung init ng pagtanggap ng tao ‘pag nagmo-motorcade ako is still there.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

“’Yung saya nila, ‘yung tuwa, ‘yung ngiti,’ yung thumbs up nila, ‘yung kasabikan nilang makita ako, nothing’s changed. Ganun pa rin, hindi pa rin nagbabago ‘yung excitement ng tao, ‘yung reaction nila sa akin ‘pag ako, eh, nakikita nila. Lalo na sa motorcade, kaya’t tuluy-tuloy pa rin.

“Kasi hindi ako tumigil ng pagtulong. Tuluy-tuloy ‘yung ginagawa naming pagtulong. So, ako dumiretso talaga ako sa pagtulong. Kahit hindi kampanyahan, kahit na hindi eleksiyon.

“So, iyon ‘yung panahon para ipakita mo sa tao ‘yung dapat mong gawin. Hindi ‘yung ‘pag malapit na lang ‘yung botohan at saka ka gagalaw. Kapag kumandidato ka lang saka ka magbibigay ng tulong. Hindi ganun.”

Inisa-isa rin ni Daniel ang mga programa niya para sa kanyang mga kababayan.

“’Yung ipinapangako nung kalaban natin tuwing may mga caucus o political events na ina-attend-an ay nagawa ko na iyon. 2008 pa lang, hindi pa ako vice governor ay nakapag-create na ako ng isang movement. Iyon yung Damayang Filipino Movement na nagbibigay ng social service, not only social service.

“Pangkabuhayan mo, lahat ‘yan, nandidiyan. Ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang ating medical mission. At bilang chairman ng Bulacan Blood Council, lalo kong pinaigting ‘yung mga blood-letting program natin.

“So, umiikot kami, bumababa sa bawat barangay, lalo na ‘yung mga medical mission, dental mission, ‘yung Silip-Mata, ‘yung feeding program para sa mga bata.

“Kasi alam naman namin na hindi lahat makakapunta sa aming bahay, sa tanggapan natin, sa opisina, lalo sa mga ospital, sa provincial hospital, para maka-avail sila ng tulong. Kasi ‘yung iba talaga napakalayo ng lugar para pumunta ka pa ng bahay namin ng Malolos, gagastos sila ng mga limandaang pamasahe, so napakalayo.

“So instead pumunta sila, ‘yung mga hindi namin naaabot, nakakamayan, nakukumusta, bumababa kami. At least naaabot namin, nakukumusta lahat.

“Hindi ko in-expect ito lahat. Ito ‘yung hindi ko pinangarap, hindi ko napanaginipan, kusang dumating sa buhay ko. Kahit nung Bokal ako, hindi ko in-expect ‘yun, lahat,” ani Daniel tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.

“Kahit ‘yung pag-aartista ko, hindi ko expected ‘yun,” dagdag pa niya.

-ADOR V. SALUTA