PAGDATING sa broadcast news, kilalang credible dito ang GMA News and Public Affairs kaya naman hindi kataka-taka na gumastos sila ng P63-million sa news set para sa Election 2019 coverage.

GMA execs

Kasama sa multi-million investment ng network ang pagkuha nila ng state-of-the-art equipment, ang pinakabagong media technology para sa mga televiewers nila.

Ang GMA News’ 360- degree set, designed to provide zero overshoots, features two Barco video walls, LED floor, LED videowall at nine (9) LFD monitors. Ang setting ng stage ay magpapakita rin ng fully functional second floor for better consumption.

Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

“In this age where viewing habits continue to shift, we are committed to make our news delivery relevant to the ever-changing world of media consumption,” sabi ni GMA Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa L. Flores.

“We wanted a world class set, with functionalities that will help us tell our stories better, and what better way to launch it than during our Eleksyon 2019 coverage.”

Ang bagong set at lighting ay dinisenyo ng U.S. based company FX Design Group, na kilala sa cutting-edge technology sa mga proyekto ng top broadcasters tulad ng CNN, FOX, NBC, ABC, CBS, ESPN, CCTV, The Golf Channel, at CNBC. Ang FX ay ilang beses nang nanalo ng awards for broadcast design at Newscast Studio Set of the Year awards.

Thankful din ang FX Design Group CEO & Creative Director na si Mack McLaughlin na sila ang napili ng GMA Network para kanilang innovation, “I think it’s going to be amazing... to launch a project of this size especially leading into the elections.”

Gagamitin din ng GMA Network ang Oscar-award winning Mad About Technology (MAT) Towercam Twin Peek camera sa bagong set, na ginamit na rin sa mga pelikula, tulad ng Harry Potter, Casino Royale, The Grand Budapest Hotel at The Help. Dito naman, kayang makita ang lahat ng mga camera angles na dati ay hindi nakikita. Ang GMA din ang first channel in the Philippines na gagamit ng Vizrt.

Kaya sa Monday, May 13, makikita ng mga televiewers ng GMA Network ang state-of-the-art equipment and the latest in media technology sa cover ng network sa Eleksyon 2019.

-NORA V. CALDERON