Mga Laro Ngayon

Rizal Memorial Stadium

2 p.m. – UP vs DLSU (Men Semis)

4 p.m. – Ateneo vs FEU (Men Semis)

MAKALIPAS ang apat na taon, nagawang makabalik ng Far Eastern University sa UAAP women’s football finals.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Nakapuwersa ng 1-1 draw ang Lady Tamaraws kontra defending champion De La Salle University upang makasiguro ng pag-usad nila sa UAAP Season 81 Women’s Football Tournament Finals kahapon sa Circulo Verde field sa Quezon City.

Dahil sa draw, nakatipon ang Lady Tamaraws ng 12 puntos,sapat na upang makopo nila ang huling finals berth at hindi na sila abutan ng pinakamalapit nilang kaagaw na University of the Philippines Lady Maroons na may 8 puntos kahit magwagi pa ito sa laban nila kontra Ateneo de Manila University Lady Eagles kahapon.

Nakakatiyak na ng finals berth, pinalaro pa rin ni La Salle coach Hans-Peter Smit ang kanyang mga key players.

Katunayan nauna pa silang umiskor sa laro sa pamamagitan ni Season 80 Rookie of the Year Bea Delos Reyes sa 69th minute.

Nakatabla ang FEU, 10 minuto bago maubos ang oras sa pamamagitan ni Jovelle Sudaria.

Magtutuos ang La Salle (16 puntos) at ang FEU sa knockout finals sa Mayo 16, 2019, ganap na 2:00 ng hapon sa Rizal Memorial Stadium sa Manila kung saan target ng Lady Archers ang 3-peat habang ang Lady Tamaraws ay maghahangad ng unang titulo mula noong Season 77.

Samantala, magtatangka ang defending men’s champion University of the Philippines na makabalik ng Finals sa pagsagupa nila sa De La Salle ngayong 2:00 ng hapon sa knockout Final Four sa Rizal Memorial Stadium.

Magtutuos naman ang Ateneo at Far Eastern University sa isa pang semifinals pairings ganap na 4:00 ng hapon.

-Marivic Awitan