Tinukoy ng isang dating opisyal ng Commission on Elections ang pangunahing problemang kahaharapin ng mga botante sa Lunes—hindi nila alam ang kanilang voting precinct.

SELYADO Ipinakikita ng taga-Commission on Elections ang sinelyuhang PCOS machine, at iba pang election paraphernalias, na tinesting sa Kamuning Elementary School sa Quezon City ngayong Miyerkules, limang araw bago ang eleksiyon sa Lunes. (MARK BALMORES)

SELYADO Ipinakikita ng taga-Commission on Elections ang sinelyuhang PCOS machine, at iba pang election paraphernalias, na tinesting sa Kamuning Elementary School sa Quezon City ngayong Miyerkules, limang araw bago ang eleksiyon sa Lunes. (MARK BALMORES)

Limang araw na lang at eleksiyon na sa Lunes, pero aminado ang Comelec na wala pang schedule kung kailan maa-activate ang kanilang online precinct finder.

Sinabi ni dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na alinsunod sa batas, obligado ang Comelec na mamahagi ng voter information and instruction sheets (VIISs), na nagsasaad kung saang clustered precinct nabibilang ang isang botante, isang buwan bago ang halalan.

National

FPRRD, ipinaaresto sa ICC para magkaroon ng ‘Marcos Forever’ – Harry Roque

“The law says that 30 days before elections, every voter should've received the voter information and instruction sheet—it includes a sample ballot, a list of nominees of partylists, and the voter registration information. I haven't received mine,” sinabi ni Larrazabal nang kapanayamin siya ng ANC.

“Everybody would've already gotten the information packet, they would know who to vote for, and where to go to on election day,” dagdag ng dating election official.

ANO’NG DAPAT GAWIN?

Sa ngayon, ang mga hindi pa nakaaalam sa kanilang voting precinct ay maaaring magpadala ng mensahe, na kinapapalooban ng kanilang buong pangalan, kaarawan, at lugar kung saan sila nakarehistrong botante, sa Radyo Comelec, ang social service channel ng poll body.

Ang kababaihang botante na kasal na ay dapat na ipadala ang buo nilang pangalan noong dalaga pa, at buong pangalan ngayong may asawa na, sa Radyo Comelec, upang maayudahan sa paghahanap nila ng voting precinct.

PAMPATAGAL LANG

Kasabay nito, kinuwestiyon ni Larrazabal ang paggamit ng Voter Registration Verification System (VRVS), dahil magdudulot lang umano ito ng kalituhan sa botante, at pagkaantala sa pagboto.

Ini-scan ng VRVS ang thumbprint ng botante para kumpirmahin kung nakarehistro nga ito, at kung tama pa ang polling precinct.

Tinukoy ni Larrazabal ang mismong pahayag ng Comelec na maaaring mabalam nang hanggang limang minuto ang bawat botante kung hindi kaagad na mai-scan ng VRVS ang thumbprint nito.

“If there are 12 people who cannot find themselves in the VRVS, then that's already a one-hour delay,” ani Larrazabal.

“Just teaching voters about the automated process took a long time; why they chose to pilot the VRVS in so many places, I don't know.

“I hope the electoral board has been trained for the protocols to be followed,” dagdag niya.

PILOT-TESTING

Sa piling lugar lang magsasagawa ng pilot-testing sa bagong verification system: Maynila, Quezon City, Caloocan City, Pangasinan, Nueva Ecija, Cavite, Iloilo, Negros Occidental, Cebu, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao del Sur, Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Nasa 61 milyon ang inaasahang dadagsa sa 85,000 polling precincts sa buong bansa, sa Lunes.

-Minka Klaudia S. Tiangco