Isa ang patay habang 14 ang sugatan makaraang tumaob ang sinakyan nilang multicab sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City, ngayong Martes umaga.

MULTICAB_ONLINE

Dead on the spot si Rolan Denayo, 31, ng Barangay Binuyan, San Jose Del Monte, Bulacan, nagtatrabaho sa CW Depot.

Isinugod naman sa Valenzuela City Medical Center ang kanyang mga katrabaho na sina Irish Cabuguin, 28, ng No. 205 Rose Ann Subdivision, San Roque, Parole, Cainta Rizal; Marcelo Magriano, 32, ng Phase 8, Package 14, 81K, Lot 48, Bagong Silang, Caloocan City; Mevel Gucor, 28, ng No. 2800, Bgy. Baeta Street, Pandacan, Maynila; Mark Gil Macora, 29, Lot 4, Block 10, Ceremencia Village, Bgy. Bagong Silangan, Quezon City; Daryll Raquel, 51, ng Pasig City; Elbert Gallano, 36, ng No. 24 Caritas St., Samson, Quezon City; John Alvin Chavez, 31, ng No. 205 E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City; Alexis Macosa, 30, ng No. 206 E. Rodriguez Avenue, Damayang Lagi, Quezon City; Algie Rotamo, 21, ng Cabrena Road, Taytay Rizal; Melvin Blanco, 41, ng No. 137, Netra Subdivision, San Mateo Rizal; Daniel Fronda, 24, ng No. 2557 Admin West, Theresa Tala, Caloocan City; Ricmar Lactao, 28, ng Phase 8, Package 8, Block 14, Lot 48, Bagong Silang Caloocan City; Mark Francis Delos Reyes, 26 ng No. 26 Bgy. Isla, Valenzuela City; at ang driver na si Ron Arwin Fercindez, 23, ng No. 314 Bernal St., Pasig City.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

Sa report ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU) ng Valenzuela Police, paluwas sa Maynila ang Hundai H100 (NAL-2318), na minamaneho ni Fercindez, at binabagtas ang kahabaan ng NLEX mula sa Bulacan, bandang 8:00 ng umaga.

Pagsapit sa KM - 18 - 300, Northbound, NLEX, Lawang Bato, Valenzuela City, malapit sa Ever Cemetery East Service Road, pumutok ang kanang likurang gulong ng sasakyan.

Dahil sa bilis ng takbo, tumaob ang multicab at nagpagulung-gulong hanggang sa tumama sa steel railing ng NLEX.

-Orly L. Barcala