MATAPANG na ibinahagi ng Sino Ang May Sala? Mea Culpa actor na si Tony Labrusca ang mga pinagdaanan niya noong kanyang kabataan.

Tony copy

Sa interview sa kanya kamakailan sa Tonight With Boy Abunda, inamin ni Tony na ugali niya noong mag-shoplift dahil sa tindi ng pangangailangan. Inamin niya na nagnanakaw siya noon sa mga convenience store, at maging sa department store.

“Dati kung kailangan ko ng damit, magnanakaw din ako sa (department) store. Kung kailangan ko ng pagkain… lahat ng feel ing kong puwede kong nakawin, ninanakaw ko,” kuwento ni Tony.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Ni l i n aw n ama n ni Tony na hindi niya i n e - e n c o u r a g e a n g mga manonood ni Boy Abunda na gayahin ang mga dating ginawa niya.

“I don’t want to encourage you guys to do this, because it’s wrong, but at that point in my life I felt my parents couldn’t give me enough for me to survive through the week. I thought that the only way I’m going to eat that day is if I steal…”

Hindi naman din daw sa sobrang nagugutom si Tony, pero minsan ay may mga gusto siyang bagay na hindi niya mabili. Never din daw nahuli si Tony sa pagsa-shoplift niya noon.

Bukod sa pagkain at damit, nakapagnakaw na rin daw si Tony ng infinity scarf at bag. Kuwento ng bida ng Glorious, matapos niyang makuha ang bag ay hindi niya pala gusto ang kulay nito, kaya bumalik siya para palitan ang kinuha niya.

Nilinaw naman ni Toni na hindi na siya nagnanakaw ngayon.

“Hi n d i n a p o a k o nagnanakaw, guys. Hindi po ako kleptomaniac.”

Suggestion naman ng host na si Tito Boy, balikan ni Tony ang mga stores na napagnakawan niya at magbayad siya sa mga dating inumit niya roon.

-ADOR V. SALUTA