Mojdeh at Chua, humirit ng marka sa Palaro swimming tilt
DAVAO CITY – Hinog na para sa high school competition ang swimming sensation na si Michaela Jasmin Mojdeh.
[gallery ids="337707,337706,337705,337704,337703"]
HULI sa mala-lawin na mga mata ni Balita/Manila Bulletin photojournalist Rio DeLuvio ang aksiyon at madamdaming tagpo tulad ng batang kalahok sa steeplechase ng Palarong Pambansa na nawalan ng panimbang sa kanyang pagtalon dahilan sa kanyang pagkakasubsob sa tubigan. Kaagad naman siyang tinulungan ng event marshal at nakapagapatuloy ng laro.
Sa kanyang unang pagsabak sa secondary division – matapos pagharian ang elementary level – hataw ang pambato ng Team Paranaque-National Capital Region (NCR) sa markadong performance sa 2019 Palarong Pambansa kahapon sa Davao City-UP Mindanao Olympic-size pool dito.
Iniukit ng 12-anyos na si Mojdeh ang bagong marka sa 200 meter butterfly sa mabilis na 2:22.69 para makamit ang unang gintong medalya sa Palaro bilang high school campaigner. Nalagpasan niya ang dating record na 2:25.21 na naitala ni Suzanne Vernon may ilang taon na ang nakalilipas.
Hindi nagpahuli ang kasangga niyang si Xiandi Chua na nagwagi ng gintong medalya sa isa ring record-breaking feat.
Binasag ni Chua ang lumang record na 2:25.66 sa 200IM sa naisumiteng oras na 2:23.86.
Makamit ni Mojdeh ang silver medal sa naturang event (2:30.11) habang napunta ang bronze kay Alisa Ysabelle Lazzarga ng Davao City (2:31.07).
"Masaya pa din po ako kahit nakasilver ako sa 200IM kasi nakabreak naman po ako ng record sa 200m fly. Tsaka okay lang po kasi first year ko lang po sa high school. Marami pa pong chance," pahayag si Mojdeh, multi-titled age-group internationalist ng Philippine Swimming League-Swimming Pilipinas.
Samantala, ito ang huling taon ni Chua sa Palarong Pambansa at nais na umano niyang ituonaAng pansin sa pa- eensayo para sa international meet.
"I am very happy to have an opportunity to sit here. I'm really thankful po sa lahat ng coaches ko," pahayag ni Chua.
Sa athletics, bumasag din ng record at humakot ng gintong medalya ang apat na pambato ng Western Visayas sa kani- kanilang mga events na nilahokan sa secondary girls category.
Dalawang ginto ang nasungkit ni Bernalyn Bejoy 400m dash at 400m hurdles, ( 57.61 at 62.59) na sinundan naman ng pagbasag ng record ni Trexie de La Torre sa long jump, sa kanyang 5.77 meters na tinalon at binasag ang 2002 Palaro record ni Maricel Sibug ng Southern Mindanao na 5.66m.
Bumida si Jamela de Asis girls shot put sa layong 12.30m, sapat para lagpasan ang 11.88m ni Cassandra Hazel Alcantara.
Si Anne Catherine Quitoy naman ay nagreyna pa rin sa kanyang huling taon sa pagsabak sa javelin throw sa 43.63 distansya.
"Disappointed po ako kasi target ko sana mabreak ko po yung last year na record ko pero hindi nangyari. Pero masaya pa din po ako," pahayag ng 17-anyos na si Quitoy.
-Annie Abad