Isinapubliko na ng Commission on Elections ang instructional video sa stap-by-step na pagboto sa Mayo 13.

(kuha ni Russell Palma)

(kuha ni Russell Palma)

Kabilang sa nilalalaman ng footage ay ang paghahanap sa pangalan at presinto at sequence number sa naka-display na computerized voters list bago lumapit sa mga miyembro ng electoral board (EB).

Kapag naibigay ng EB ang official ballot sa botante, kinakailangan itong tingnan nang maigi ng botante upang matiyak na hindi madumi o walang marka, at kung mayroon ay kinakailangang ibalik ito sa EB para mapalitan.

Kompanya ng bus na tila nagkakarera, dedma sa LTO; viral video, edited lang daw!

Dapat ding i-shade ng botante ang tapat ng pangalan ng iboboto, gamit ang nakalaang special marking pen.

Pagkatapos bumoto, kinakailangang takpan ang balota ng ballot secrecy folder habang ipinapasok sa vote counting machine (VCM).

Dapat ding magbigay ng voter's receipt ang VCM na maiiwan sa nakalaang kahon sa voting precinct.

Sa record ng Comelec, aabot sa 61 milyong Pinoy ang inaasahanhg boboto sa national at local elections sa Mayo 13.

-Minka Klaudia S. Tiangco