TORONTO (AFP) — Ratsada si Jimmy Butler sa naiskor na 30 puntos at 11 rebounds para sandigan ang Philadelphia Sixers kontra Toronto Raptors, 94-89, nitong Lunes (Martes sa Manila) para maitabal ang best-of-seven Eastern Conference semifinal series sa 1-1.

Nag-ambag si James Ennis ng 13 puntos sa Philadelphia.

Nakatakda ang Game Three sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Philadelphia.

Nanguna si Kawhi Leonard sa Raptors sa naiskor na 35 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

NUGGETS 121, BLAZERS 113

Sa Denver, ginapi ng Nuggets, sa pangunguna ni Nikola Jokic na may 37 puntos,ang Portland Trail Blazers. Sa Game 1 ng kanilang Western Conference semifinals.

Nabalewala ang 39puntos ni Blazers All-Star Damian Lillard.

Nag-ambag si Jamal Murray ng 23 puntos sa Denver, habang kumasa si Paul Millsap sa 19 puntos.

Nakatakda ang Game 2 sa sa Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Pepsi Center.