HINIRANG na Best Picture ang pelikula tungkol sa magkakaugnay-ugnay na buhay ng limang lalaki sa 2019 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards night nitong Linggo.

Nadine sa 'Never Not Love You' copy

Idinirehe ni Dwein Baltazar ang Gusto Kita With All My Hypothalamus, na nag-uwi rin ng mga parangal para sa Best Director at Best Screenplay.

Best Actress naman si Nadine Lustre para sa pagganap niya sa Never Not Love You, at pinasalamatan niya ang love team ang kasintahang si James Reid sa kanyang acceptance speech.

Nadine Lustre naging kamukha na raw ni James Reid

“Salamat kay James na lagi akong pinu-push to be at my very best at sinisigurado na naalaala ko na I am bigger and stronger than any storm that comes my way,” sabi ni Nadine.

Nag-tie naman para sa Best Actor sina Victor Neri at Eddie Garcia, para sa A Short History of A Few Bad Things at ML, ayon sa pagkakasunod. Si Anne Curtis naman ang unang babaeng ginawaran ng Fernando Poe Jr. Memorial Award.

Narito ang listahan ng mga nagwagi sa 2019 FAMAS Awards:

Best Picture: Gusto Kita With all My Hypothalamus

Grand Jury Prize (tie): Ang Panahon Ng Halimaw at Fisting

Outstanding Performance by an Actress in a Leading Role: Nadine Lustre (Never Not Love You)

Outstanding Performance by an Actor in a Leading Role (tie): Eddie Garcia (ML) at Victor Neri (A Short History Of A Few Bad Things)

King of Comedy Dolphy Memorial Award: Ma r i c e l Soriano

FPJ Memorial Award: Anne Curtis

L i f e t ime Ac h i e v eme n t Awardees: Marilou Diaz-Abaya, Laurice Guillen, at Charo Santos- Concio

German Moreno Memorial Youth Achievement Award: Maymay Entrata at Bianca Umali

Dr. Jose R. Perez Memorial Award: Ali Sotto

Outstanding Performance by an Actor for Supporting Role: Joem Bascon (Double Twisting Double Back)

Outstanding Performance by an Actress for Supporting Role: Adrienne Vergara (Dog Days)

Outstanding Achievement in Directing: Dwein Baltazar (Gusto Kita With All My Hypothalamus)

Outstanding Achievement in Cinematography: Oda Sa Wala ni Neil Daza

Outstanding Achievement in Editing (tie): Kung Paano Siya Nawala ni Lawrence Ang at Pag-ukit Sa Paniniwala ni Hiyas Baldemor Bagabaldo

Best Adapted Screenplay: Tanabata’s Wife nina Charlson Ong, Choy Pangilinan, Mao Portus, at Juan Carlos Tarobal

Best Original Screenplay: Gusto Kita With All My Hypothalamus ni Dwein Baltazar

Outstanding Achievement in Musical Score: Never Tear Us Apart (Fisting) – Erwin Romulo, Malek Lopez, at Juan Miguel Sobrepena

Outstanding Achievement in Production Design: Oda Sa Wala, Maolen Fadul

Best Documentary Film: All Grown Up ni Wena Sanchez

Outstanding Achievement in Visual Effects: Blackburst, Inc. (GOYO: Ang Batang Heneral)

Outstanding Achievement in Sound: Corine de San Jose (Ang Panahon Ng Halimaw)

Best Original Song: Buhay Teatro (Paglisan), nina Teresa Barrozo, Christela Marquez, Aica Ganhinhin, Carl Papa, at Erika Estacio

-REGINA MAE PARUNGAO