AN G suwerte ng kumakandida tong bise gobernador ng Zambales na si Subic Mayor Jay Khonghun sa pagkakaroon ng girlfriend na tulad ni Aiko Melendez. Tinutukan at sinasamahan siya ng aktres sa lahat ng laban niya, at nangakong hindi siya iiwan.

Aiko at Mayor Jay

Hindi biro ang isinakripisyo ni Aiko, dahil alam naman ng lahat na nasa peak ng career niya ngayon ang aktres, dahil kaliwa’t kanan ang movie at TV offers sa kanya, kasabay ng sunud-sunod na pagtanggap niya ng citations sa pagganap niya sa pelikulang Rainbow’s Sunset, mula sa Heaven’s Best Entertainment.

At higit sa lahat, hindi nakakasama ni Aiko ang mga anak na sina Andrei Yllana at Marthena Jickain sa loob nang anim na araw sa Manila, dahil nga nasa Zambales ang aktres para tulungan sa pangangampanya ang boyfriend.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kahit na abala sina Aiko at ang future vice governor sa kampanya ay hindi naman nila nalilimutan ang petsa nang maging sila. Kaya pala may post na mga litrato si Aiko habang sweet silang nakaupo ng alkalde sa gilid ng entablado. Marami ang nakapansin at kinunan sila ng litrato.

Biniro pa nga namin si Aiko nang makita namin ang post: “Parang nagliligawan”.

Pero may dahilan naman pala ang sweetness nila, dahil monthsary nina Aiko at Mayor Jay nitong Abril 29.

Caption ni Aiko sa mga litrato: “Today, marks our monthsary! Yah we may be old enough and busy campaigning but I always impose on Jay Khonghun that we spend quality time even for a short time, kaya in between breaks sa caucus, we assure each other that no matter how hard and tiring our campaign is, at the end of the day, we have each other to count on.

“I remember when he learned about the narco-list, he told me it’s up to me whether I break up with him and leave him. Instead I stood by him because I know Jay. Our relationship is not based on how long we have been together, it is based on how long can we be there for each other. I promised to stand by him.

“For as long as he is innocent, on the issue of drugs, I choose to stand by him because I know deep down in my heart, we hold the truth. No tinge of doubt. “I may have a strong personality especially when I am fighting on something for truth. I believe one of these days the truth will come out. I know one day the sweetest victory will be ours!

“That I claim in Jesus name. Mabuting tao ang partner ko. Kung alam n’yo lang. Nagkataon lang madumi kalaban ang nakaupo na kalaban nya. Malapit na. Matutuldukan din ang isang kasinungalingan at malapit na rin malaman ng tao sino ang mas may credibility.

“Antay lang kayo, ‘di matatapos ang eleksiyon, abangan n’yo lang, lalabas ang totoo. ‘Wag kayo bibitaw sa amin. At parating na ang katotohanan kung sino ang dapat paniwalaan sa hindi.

“Goodnight, Jay Khonghun will make a history!”

Happy monthsary, Aiko and future vice governor of Zambales, Jay Khonghun.

-REGGEE BONOAN