Hindi ito ang pinakaiiwasan mong spoiler, promise!

AVENGERS

Hindi kinaya ng isang college student sa China ang naging wakas ng blockbuster movie na “Avengers: Endgame” kaya naman isinugod siya sa ospital matapos mag-hyperventilate, dahil sa walang tigil na pag-iyak, ulat ng Epoch Times.

Nanood umano ang hindi kinilalang 21-anyos na babae ng midnight premiere ng pelikula nitong Abril 24 sa Ningbo, Zhejiang Province sa China.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Habang ang lahat ng mga nanonood sa sinehan ay tahimik na umiiyak sa pagtatapos ng pelikula, nagsimula umanong humagulgol ang estudyante, hanggang sa hindi na nito mapigilan ang pag-iyak.

Napaulat na nanakit ang dibdib ng estudyante, na sinundan pa ng paninigas ng kanyang mga kamay at paa.

Naisugod naman sa ospital ang babae, na sa huli ay napakalma rin ng mga doktor.