BIBIGYANG-pugay ng bandang The Cranberries ang kanilang yumaong frontwoman na si Dolores O’Riordan sa pamamagitan ng huling album ng kanilang grupo.

CRANBERRIES

Ngayong Biyernes, ini-release ng Irish rock act ang kanilang ikawalo at huling album, ang In the End. Pinagsama-sama ang mga natitirang miyembro ng banda—sina Mike Hogan, Noel Hogan, at Fergal Lawler — ang 11 awitin sa album, kasama ang unfinished demos na nadiskubre sa personal hard drive ni Dolores matapos pumanaw ang huli.

Enero ngayong taon nang aksidenteng nalunod si Dolores dahil sa sobrang kalasingan. Siya ay 46 anyos.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

“It was just like winning the Lotto,” sinabi ni Noel, lead guitarist, sa Associated Press kaugnay ng pagkakadiskubre nila sa mga awitin ni Dolores. “And that was it. We had the songs.”

Nagkasundo ang banda na ire-release lang nila ang album kung makatupad ito sa kanilang standards, gayundin kay Dolores.

“Before we went into the studio, we kind of set the bar saying, ‘OK if it’s not good enough, it’s not going to make the cut,’” kuwento ni Fergal sa AP.

Gayunman, nagulat ang banda sa dami ng materials na natipon nila.

“We even told the record company, ‘We might end up with only seven or eight songs here, if we feel a vocal isn’t really making it,’” sinabi ni Mike sa panayam ng USA Today.

“But she’s such a strong singer that even on an off day she was better than a lot of people were on their on days, so that wasn’t a problem at all.”

Ngayong handa na ang banda na tuluyan nang mamaalam sa kanilang pumanaw na lead singer, umaasa silang ang huli nilang album ay iyong tipong ipagmamalaki ni Dolores.

“If there’s another place that she’s looking down from, that’s what she would really love the most: That those songs that she spent a lot of time working on and loved means so much to so many other people,” sabi ni Noel.

AP