USAPING Bam Aquino ay na-love at first sight pala sila sa isa’t isa ng napangasawang si Ms. Timi Gomez – Aquino.

Base sa kuwento ni Ms. Timi sa nakaraang presscon sponsored ni Kris Aquino ay isa siya sa delegado sa exchange program ng National Youth Commission, 2014 na si Bam ang chairman.

“Dahil chairman po siya (Bam) hindi niya ako pupuwedeng ligawan, so he waited one year po nu’ng naging alumni na ako sa program,” nakangiting kuwento ni Ms Timi.

Ano ang nagustuhan ni Timi kay Bam.

Tsika at Intriga

Kura paroko ng simbahan kung saan nag-perform si Julie Anne, nagsalita na

“Definitely ang lakas po kasi ng dating ni Bam, he’s so tall, ang puti-puti, very articulate so definitely nandoon ‘yung attraction pero hindi nga po tama kasi nga chairman siya, participant ako.

“Kahit na marami siyang dahilan na maging mayabang kasi nga summa cum laude siya, Aquino siya, ang tangkad niya, ang puti niya pero parang wala ‘yun sa kanya, sobra siyang down to earth.

“Parang hindi niya nare-realize na may ganu’n side siya. At talagang buong buhay niya inuuna niya talaga ang charity works, ‘yung gobyerno, alam mo ‘yung kasama mo na tigas siya pero siya hindi niya alam. So para sa akin very attractive ‘yun,” kinikilig na kuwento ni Timi.

Bagama’t love at first sight ang naramdaman nang dalawa, “pero siya ang unang nag-text sa akin, hindi naman ako ‘yung type na magte-text sa kanya.”

Sa tanong namin kung matagal ang nangyaring ligawan, “alam mo dahil matagal kaming naghintay for the first date, more than a year kaming naghintay. Nu’ng una kaming mag-date, 9 dates straight, December 8, 2005 tuluy-tuloy po ‘yun for 9 days so parang Christmas novena na hindi mo maintindihan.”

Pitong taong nagdi-date sina Bam at Timi kasama na ang long distance relatonship dahil na-assign ang huli sa Shanghai, China noong nasa corporate world pa siya.

“Salamat sa Cebu Pacific promo fare dahil nabibisita niya po ako sa Shanghai,” kuwento ng magandang wifey ni Bam.

Samantala, nabanggit naman ni Kris sa presscon na sobra siyang humanga kay Timi dahil mataas ang posisyon nito sa Unilever at ang produktong hawak nito ay number one sa market at ang wifey din ni Bam ang dahilan kaya kinuhang endorser ang Queen of Social Media ng Chowking na nagkaroon na rin ng ilang branches nito.

“She (Timi) left it in the name of love, I wanna know in her, anong meron si Bam? There’s something that you really want to give your all?” tanong ni Kris sa cousin-in-law niya.

“I’m so grateful that Ate Kris is really helping my husband, endorsing my husband,” sambit ni Timi.

Ang mga proyekto ni Bam kapag muli siyang nakabalik sa senado, “free college, go negosyo act for the pinakamahihirap na pamilya na may maliit na negosyo. At gusto ko rin pong sabihin kung sino si Bam bilang asawa, bilang tatay.

“Sulit po ‘yung pag-iwan ko sa career ko parang itong relationship ni Bam with the voters is more than just a professional relationship, eh. It’s more than magiging matino siyang public servant o pagkatao niya as a husband, as a father is part of the package and Filipinos has the right to get know him that way and siguro ‘yun na ‘yung pinaka-role ko sa lahat kaya nagpapasalamat ako kay ate Kris.

“Sa totoo lang Ate Kris maliit na bagay lang naman to put may career on hold, but si ate Kris I guess she’s a working mom, dahil siya rin minor palang nagta-trabaho na kaya alam niya rin ‘yung relevance at significance ng maayos na trabaho. Nagpapasalamat ako na may chance ako to come up here and to tell you all.

“Marami akong answers why Bam, madali siyang mahalin at madaling mag-sacrifice para sa kanya kasi sobra siyang secured sa pagkalalaki niya. Alam n’yo po si Bam is the ultimate feminist.

“The first leader that he ever campaigns for was a woman and she became President. That was in the 80’s (Presidente Corazon C. Aquino) and the last leader he campaigns for was also a woman and she became the Vice President in 2016 (VP Leni Robledo). Matagal po talaga siyang naniniwala sa lakas ng kababaihan and not a lot of people know in the 7 years before he entered the senate, babad na babad po siya sa microfinance communities ni tita Cory.

“Kaya alam po niya ‘yung kahalagan na ‘yung mga babae na may kakayahan para tulungan ‘yung mga asawa nila na itaguyod ‘yung pamilya nila. And it’s not just about money, it’s not just about dalawa kayong nagta-trabaho, dual income but ‘yung sincerity and security as a man na okay na may partnership ka sa asawa mo. Every single day sobra akong supported, sobra ‘yung paniniwala niya sa akin to succeed.

“At kung dumating ‘yung panahon na it’s my turn to take a back seat and support him and clear po sa akin kung ano ang role ko, ipakilala siya ng buong-buo, not just as the senator or the legislator but really as the father to Rory and Coco (mga anak nila) as my number one cheerleader as a working mom, then so be it,” pagtatapos ni Timi.

-REGGEE BONOAN