SUMANDAL ang Caloocan sa isa na namang ekplosibong laro ni Darwin Lunor para pabagsakin ang Bulacan, 100-93, sa overtime at patatagin ang kampanya sa Community Basketball Association (CBA) Founders’ Cup North Division basketball tournament kamakailan sa Thoa Wild Center Gymnasium sa Valenzuela City.

Ratsada si Lunor sa naiskor na 24 puntos at 15 rebounds para sa ikatlong panalo sa apat na laro ng Saints.

Nag-ambaga din si Neljun Saldana ng 18 puntos para sa Saints na pinangangasiwaan ni coach Jino Manansala.

Nauna rito, naungusan ng Valenzuela ang Quezon City, 115- 111, sa likod ng 33 puntos ni Jaymar Gimpayan para sa 3-2 record.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumub r a r in s i F loyd Dedicatoria sa Valenzuela sa natipang 18 puntos.

Nanguna si Joco Tayongtong sa Quezon City na may 30 puntos, apat na rebounds, pitong assists at dalawang steals.

Kumana rin si Alwin Alday ng 28 puntos, anim na rebounds, at apat na assists, habang kumana si Mon Mabayo ng 22 puntos at 15 rebounds at humirit si PJ Barua ng 21 puntos, anim na rebounds, at apat na assists para sa Capitals.

Nitong April 13, binigo ng General Trias ang Pasigueño, 99-73, bagang naungusan ng Marikina ang Binangonan, 102-101.

Hataw si Ernesto Bondoc na may 22 puntos at 10 rebounds at kumubra si Jonathan Rivera ng 14 puntis at 10 rebounds para sa Braves.

Iskor:

(Unang Laro)

Caloocan (100) — Lunor 24, Fontanilla 15, Sombero 11, Palencia 11, Hallare 9, Decano 8, Rivera 5, Principe 5, Manacho 4, Fuentes 4, Tiquia 2, Penaredondo 2

Bulacan (93) — Saldana 18, Santos 14, Monte 13, De Mesa 13, Gozum 12, Dela Cruz 7, Velchez 6, Necio 6, Pama 3, Yasa 1, Mohammad 0, Salamat 0, Magbanua 0

Quarterscores: 21-16, 39-44, 63- 68, 86-86, 100-93.

(Ikalawang Laro)

Valenzuela (115) — Gimpayan 33, Dedicatoria 18, Ch. De Chavez 15, Martinez 11, Ruaya 10, Ortega 10, Kalaw 8, Lacamento 6, Viana 2, Dela Cruz 2, Pastrana 0, Rivera 0, Bernardo 0, Diego 0

Quezon City (111) — Tayongtong 30, Alday 28, Mabayo 22, Barua 21, Derige 7, Belosillo 3, Santiago 0, De Guzman 0, Gabo 0

Quarterscores: 31-25, 56-58, 87- 84, 115-111.