Ibinulagta ang isang incumbent councilor ng hindi pa nakikilalang nakamotorsiklo sa Barangay Alimango, Escalante City, Negros Occidental, 97 kilometro mula sa Bacolod City, nitong Lunes.

COUNCILOR_ONLINE

Kinilala ang pinaslang na si Bernardino Patigas, 72, ng Bgy. Alimango.

Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi ang biktima sakay sa kanyang motorsiklo bandang 4:26 ng hapon nang paputukan ng gunman mula sa likod, gamit ang isang .45 caliber pistol.

Agad nasawi ang biktima dulot ng mga tama ng baril.

Probinsya

DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng isang student-athlete mula sa Ilocos Norte

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng .45 caliber pistol.

Tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Nagsasagawa ng pursuit operation.

-Glazyl Y. Masculino