NAGULAT ang netizens sa kakaibang mensahe ni Coco Martin na itinaon pa niya sa mismong araw ng Pasko ng Pagkabuhay, April 21.

Julia at Coco

Ito ay dahil sa mga pahayag ng Kapamilya Primetime King tungkol sa isyung kinasasangkutan niya na hindi niya binanggit, pero malakas ang hinala ng marami na may kinalaman ito sa umano’y pagsisilang nitong nakaraang buwan ng rumored girlfriend niyang si Julia Montes.

Ang magaganda at mabubuting payo ng kanyang Lola Matilde ang ginamit na halimbawa ni Coco sa pagsagot sa isyung hindi pa nagkakaroon ng closure.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pinasaringan din ng FPJ’s Ang Probinsyano actor ang mga taong wala raw magawa sa buhay at inilalaan ang oras “para pag-usapan ang buhay ng ibang tao para manira.”

Sa ngayon, hindi mangyayari ang inaasahang pag-amin ni Coco dahil malinaw ang kanyang sinabi na hindi kabaklaan ang desisyon niyang magkaroon ng tahimik na buhay.

Ito ang mahaba at unedited statement ni Coco na inilabas nito sa kanyang Instagram account kaninang madaling-araw bago ginanap ang “Salubong” sa mga simbahan:

“Sabi ng Lola ko nu’ng bata pa ako ‘magsumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pangarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa’.

“Mahirap lang ang buhay namin, simple pero mapayapa. Hindi kami nang-aapi at nang-aagrabyado ng tao at lalong hindi po kami nakikialam ng buhay ng ibang tao.

“Sabi sa ‘kin ng Lola ko ang mga tao mahilig pag-usapan ang buhay ng ibang tao ay ang mga taong walang magawa sa buhay nila kaya kaysa ayusin nila ang buhay nila at alagaan ang kanilang mga anak, ang kanilang mga magulang, magsumikap sa kanilang trabaho, at mag-aral nang mabuti, mas inilalaan nila ang oras at panahon nila para pag-usapan ang buhay ng ibang tao para manira!

“Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi ikauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan.

“May kanya-kanya tayong buhay at tayo ang magdedesisyon kung paano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay, wala akong nagawang masama sayo kung sino ka man, hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!

“Nagtatrabaho lang ako at meron din akong pribadong buhay. ‘Wag naman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan n’yo dahil hindi interesado ang buhay ko.

“Mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapaki-pakinabang na pag-uusapan para sa ating lipunan para may maiambag naman tayo sa ating bayan!

“Salamat sa pagbigay mo ng panahon para pag-usapan ang buhay ko. Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko.

“Tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo nalang ang ikuwento mo, sigurado ako mas intersante ang buhay mo!

“Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sa sarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira!

“Pasensya ka na, ang desisyon ko ay panatilihing tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!! God bless.”

-ADOR V. SALUTA