Ilang beses mo napanood ang "Captain Marvel"?

Steve Ruppel

Steve Ruppel

Ibinalita ng isang lalaki ang kanyang matagumpay na pagkakamit ng Guinness World Record, matapos niyang mapanood sa sinehan ang pelikulang “Captain Marvel” nang 116 na beses.

Sa ulat ng United Press International, gumugol si Steve Ruppel ng Weston ng 12,268 minuto para panoorin ang bagong Marvel Cinematic Universe film, na pinagbibidahan ni Brie Larson bilang titular hero, matapos na mapag-alaman ni Ruppel na may nakatayang Guinness record para rito.

Trending

Lalaki, nalulong sa sugal; ipon na ₱800K, naglaho na lang parang bula

“I thought it was the most insane thing ever, I thought it was impossible. I wasn't even sure why it was even a record, but I thought after a while ‘I should probably do that’,” sinabi ni Ruppel sa WSAW-TV.

Aniya, kinailangan niyang pumunta sa halos 104 na screenings para mahigitan ang kasalukuyang record sa kaparehong pelikula, ngunit napagdesisyunan niyang gawin itong 116 habang kumukuha ng patunay na kailangan ng Guinness.

"To be official, I have to have certain pictures taken, like in front of a movie poster, and I need to have two written witness statements saying that I was actually there," aniya. “So I'm trying to think, if anyone wanted to break this, I really don't want to re-break it. Cause this has been pretty tough. It's been a finite amount of time, but I don't think I'm going to try this one again.”

Apat nang Guinness records ang dating hawak si Ruppel, kabilang ang pagtakbo sa half marathon habang nakasuot ng “most number of shirts”, at siya rin ang nagtala ng “fastest time to drink one liter of gravy” sa loob ng isang minuto at 12.5 segundo.