Kulong ang isang matandang binata makaraang ireklamo ng 72-anyos niyang half sister sa umano’y pangmomolestiya sa huli sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinasuhan ng grave threat at act of lasciviousness ang 42-anyos na suspek, ng Barangay Gen. T. De Leon sa nasabing lungsod.

Ayon sa biktima, naalimpungatan siya nang maramdamang may humahalik sa kanyang pisngi at labi, dakong 10:30 ng gabi.

Sa galit, tinadyakan ng biktima ang kinakapatid kaya nahulog ito sa semento.

Tuluyang umalis ang suspek, ngunit nagbanta na papatayin ang biktima kaya nagtungo ang huli sa Police Community Precinct (PCP) 2 at ipinaaresto ang suspek.

Politics

Majority bloc, pinulong ni SP Sotto sa posibilidad na pag-akyat ng impeachment ni VP Sara sa Senado

Orly L. Barcala