Aabot sa 20,000 lokal at dayuhang turista ang inaasahang dadagsa sa Barangay San Pedro Cutud sa City of San Fernando sa Pampanga para sa popular na taunang pagpapako sa krus.

Ruben Enaje

Ruben Enaje

Sinabi ni Robbie Hizon, Maleldo 2019 executive committee chairperson, na ang aktuwal na pagpapako sa krus ay masasaksihan din sa mga barangay ng San Juan, Sta. Lucia, at San Nicolas sa siyudad.

Nasa 20 katao ang magpapapako sa krus, sa pangunguna ni Ruben Enaje—na ito na ang ika-33 beses na gaganap na Kristo at ipapako sa krus sa Biyernes Santo.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

-Franco G. Regala