Arestado ang isang 12-anyos na lalaki na umano’y salarin sa pagpatay sa isang buntis at 4-anyos na anak sa Lubao, Pampanga, nitong Linggo

BATA

Sa ulat ng Lubao Police, sasampahan na nila ng kasong murder ang naturang suspek na sinasabing kaanak at kapitbahay ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, matibay ang hawak nilang ebidensya, kabilang ang isang kutsilyo na ginamit sa pananaksak at testigong magpapatunay kagagawan ng suspek ang krimen.

Nairita umano ang binatilyo dahil sa napagalitan ito ng biktima nang mahuling nagnanakaw ng P100 kaya’t nangyari ang pamamaslang.

Internasyonal

US intelligence, nadiskubre ang umano'y pagsuporta ng China sa air defense ng Iran!

Ang bangkay ng mga ito ay natagpuan ng kanilang padre de pamilya.

-Beth Camia