HAPPY 51st birthday kay Mayor Lani Mercado-Revilla of Bacoor City, Cavite on Saturday, April 13.

Mayor Lani

Thirteen years old pa lang si Jesusa Victoria Garcia Hernandez, aka Lani Mercado, nang una namin siyang nakilala. “Candy” ang nickname niya, pamangkin niya si Tirso Cruz III, dahil ang daddy ni Pip, si Tirso Cruz II, ay pamangkin ng daddy ni Candy.

Mahilig mag-artista si Candy, at noong 16 years old siya, dinala namin siya nina Ms. Ethel Ramos at Ricky Lo kay Mother Lily Monteverde, na nagbigay sa kanya ng screen name na Lani Mercado.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nang mag-artista si Lani, na-meet at nakatrabaho niya pareho sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla, na parehong nanligaw sa kanya. Ang pinalad na sinagot niya ay si Bong, at nagkaroon sila ng seven children.

Naging mag-best friend naman sina Jinggoy at Bong hanggang sa ngayon, at parehong naging pulitiko at pareho ring na-accuse sa Sandiganbayan.

More than four years na nakulong si former Senator Bong, at sa loob ng apat na taong iyon, si Lani ang tumayong ama at ina sa kanilang mga anak.

Twice naging congresswoman sa lone district ng Bacoor, Cavite, hindi na siya nag-third term at kumandidato siyang mayor ng Cavite. Kaya hawak ni Lani ang title na first Lady Congresswoman at first Lady Mayor ng Bacoor.

Ngayon ay kandidato siya for her second term as Bacoor City Mayor, at wala siyang kalaban.

Nag-celebrate na si Mayor Lani ng birthday niya sa flag ceremony last Monday, April 8, na lagi niyang ginagawa tuwing birthday niya, kasama ang kanyang mga constituents. Pero naging significant ang 51st birthday ni Mayor Lani dahi after four years, kasama na niyang nag-celebrate si Bong Revilla, na nakalabas na ng kulungan.

“Masaya ako dahil narito na at kasama na namin si Bong,” sabi ni Mayor Lani. “Matagal naming na-miss ito ng aming mga anak. Thankful din ako dahil sa survey ng mga kakandidatong Senator, nasa number 7 or 8 siya kaya itinuloy niya ang pagkandidato. Kapag may mga lugar sa Pilipinas na hindi niya mapuntahan dahil nagko-conflict sa schedule, ako na ang dumadayo roon.”

Naging sentimental naman si Bong noong birthday celebration ni Mayor Lani.

“Nagiging emosyonal talaga ako tuwing nababanggit ang tungkol sa pamilya ko. Hindi sapat ang ‘salamat’ kay Lani sa pagtayo niya bilang ama at ina ng mga anak namin at ang pagsagot sa mga batikos at bashings na tinatanggap namin. Kaya si Lani ay hindi lamang wonder woman ng buhay ko at ng pamilya namin, siya ang aming superwoman.”

Biruan nga nang sabihin na uso ang love team payag daw silang #LaBong ang maging name ng love team nila, for Lani at Bong.

Natanong namin si Mayor Lani kung hindi ba niya nami-miss ang showbiz?

“Noong nag-shoot nga si Bong ng campaign jingle niya, si Richard Somes ang director niya at biro ko sa kanya, i-guest niya ako kapag may bago siyang movie na gagawin.

“Hindi ko pa pinag-iisipan talaga iyon, happy lamang ako dahil this Holy Week, magagawa na muli naming mag-stay sa Boracay na apat na taong hindi namin nagawa tuwing Holy Week. Magkakasama muli ang buong pamilya doon.

“At maraming-maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa mga kandidatura namin especially ng muling pagsi-Senador ni Bong comes May 13.”

-Nora V. Calderon