ALIW ang pelikulang Last Fool Show, at literal ang titulong ito para kina JM de Guzman at Arci Muñoz kaya hagalpakan ang lahat ng nanood ng premiere night nito sa SM Megamall Cinema 7 nitong Martes.

Arci at JM copy

Sa mga nakakakilala kay Arci ay alam naman na kung gaano siya kaluka-luka sa mga karakter na ginampanan niya, sasabayan pa ng pagpapa-cute ni JM kaya swak ang tandem nilang dalawa.

Oo nga, may kilig ang dalawa, buti hindi sila nagkagustuhan noong single pa si Arci, noh? Sabi nga ng aktres, laging may girlfriend si JM noong magkaklase sila sa kolehiyo at noong nag-showbiz na sila ay pareho pa rin silang may significant other kaya hindi nag-swak ang timeline nila.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Pero duda namin, kung nagtagpo silang parehong single, baka malamang nagkaligawan sila kasi bagay sila talaga.

Kaya namin nasasabi ay dahil ito rin ang karakter nila sa pelikula, mag-dyowa sila dahil niloko ng kanilang mga ex na nangyari pala sa tunay na buhay.

Indie director ang character ni Arci na sinubukang mag-mainstream. Dahil kailangan at mahirap gumawa ng romantic comedy movie ay ang personal experience niya sa buhay pag-ibig ang kanyang ikinuwento.

Si JM naman ay niloko ng ex-girlfriend niya, na ang nagging boyfriend pa ay ang ex ni Arci kaya ang ending, silang dalawa ang nagkatuluyan.

Ang Last Fool Show ay palabas na kahapon sa 180 cinemas mula sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr. mula sa ABS-CBN Films, Star Cinema, at N2 Productions.

-Reggee Bonoan