Nadiskubre ang isang bagong human species makaraang matuklasan ang buto ng taong nabuhay may 50,000 taon na ang nakalipas—sa Pilipinas.

HEY, BROTHA! Natagpuan ng mga researchers mula sa France, Pilipinas, at Australia ang mga buto ng bagong human species na Homo luzonensis, sa Callao Cave sa Peñablanca, Cagayan. AFP

HEY, BROTHA! Natagpuan ng mga researchers mula sa France, Pilipinas, at Australia ang mga buto ng bagong human species na Homo luzonensis, sa Callao Cave sa Peñablanca, Cagayan. AFP

Ang species, na tinawag na Homo luzonensis dahil sa Cagayan natagpuan ang mga buto nito, ay hindi direktang ninuno natin, kundi isang malayong ancient relative.

Subalit ang nadiskubre, na inilathala ngayong Huwebes sa journal na Nature, ay dumagdag sa dumadaming ebidensiya ng sinaunang pamumuhay ng mga unang tao.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Naungkat din ang tanong kung paano nakarating sa Cagayan ang isa sa mga unang tao, at sino ang mga ninuno nito.

Ang “remarkable discovery… will no doubt ignite plenty of scientific debate over the coming weeks, months and years”, isinulat ni Matthew Tocheri, associate professor of anthropology sa Lakehead University sa Canada, sa review na kinomisyon ng Nature.

Nadiskubre ng mga researchers mula sa Pilipinas, France, at Australia ang mga nasabing buto ng tao sa Callao Cave sa Peñablanca, Cagayan, kung saan may mga buto rin ng tao, na sinasabing nabuhay may 67,000 taon na ang nakalipas, ang nahukay noong 2007.

Hindi malinaw kung anong uri ng sinaunang tao ang pinanggalingan ng buto, pero natuklasan ng mga mananaliksik kamakailan ang pitong ngipin, na nasa 50,000-67,000 taon na.

“From the beginning, we realised the unusual characteristics of these fossils,” sinabi ni Florent Detroit, isa sa mga nanguna sa pag-aaral, sa AFP sa press briefing.

“We completed the comparisons and analyses, and it confirmed that this was something special, unlike any previously described species of hominins in the homo genus,” dagdag ni Detroit, palaeoanthropologist sa Musee de l’Homme ng France.

AFP