ABRIL 1 pa lang ay usap-usapan na ang umano’y panganganak ni Julia Montes.

Julia copy

Kahit na noong wake ni Mama Milagros Santos, nanay ng Star for All Seasons na si Congresswoman Vilma Santos-Recto, ito ang pinagkuwentuhan ng aming grupo sa isang mesa.

Sa isang hospital sa San Juan City at hindi raw sa Germany isinilang ng aktres ang kanyang baby. Ayon pa sa balita, nanganak si Julia noong huling bahagi ng Marso sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Lalo pang umingay ang haka-haka nang bumulaga sa Facebook ang blind item ng isang showbiz insider noon ding April 1.

“Congrats sa isang aktres na isa nang ganap na ina courtesy of her BF na sikat na aktor,” saad sa blind item, na sinasabing ang tinutukoy na aktor ay si Coco Martin.

“Totoo bang habang umiiri sa delivery room (sa isang ospital sa San Juan) ay nakatakip ang mukha ng aktres para hindi makilala?

“Siguro, ayaw muna ng aktres na kumalat nang bongga [ang tsismis] at inihahanda lang nila ng aktor ang announcement ‘pag naka-recover na sa panganganak ang bagets.”

Ilang araw makaraang ma-post ang blind item, binura ito ng showbiz insider, at pinalitan ng ibang post.

“So may nauna na pala sa akin na magbalita ng tungkol sa panganganak ng isang aktres recently sa isang ospital sa San Juan. Na ang akala ng marami ay sa ibang bansa ito naganap.

“With regards to the identity of the father of her baby, mas magandang sa kanya na lang natin ito marinig mismo. May nagtanong kasi sa amin kung sure daw ba ako na ‘yung sikat na aktor ang ama.

“If yes, happy naman sila, pero para lang wala nang duda-duda, hintayin na lang natin ang newest mom ang magsalita tungkol sa bagay na ito. After all, happy naman ang lahat sa panibagong blessing na ito na dumating sa buhay ng aktres. At alam kong napakaswerte ng batang ito sa kanyang mga magulang.”

Sa comments section, nagsihulaan ang mga netizens at panay sina Julia at Coco ang binabanggit.

Kinumpirma naman ng ilang industry insiders sa PEP.ph na nanganak nga raw si Julia, at si Coco ang ama ng sanggol.

Pero nabalita rin na ikinagalit daw ng most-favored Kapamilya star sa ngayon ang nasabing balita, at mainit daw ang ulo nito sa set nang araw na lumabas ang blind item, ayon pa rin sa report ng PEP.

Pagtataka naman ng showbiz insiders: Bakit galit si Coco?

Anyway, nagpadala na rin daw ng mensahe ang PEP sa pamunuan ng Cardinal Santos Medical Center para linawin o itanggi ang isyu na roon nanganak si Julia, pero as of press time ay wala pa silang nakukuhang sagot.

Sa pagkakaalam din namin, hindi basta naglalabas ng impormasyon ang mga ospital tungkol sa kanilang mga pasyente, lalo pa kung hiniling mismo ng mga ito ang pagkakaroon ng privacy.

-Ador V. Saluta