KINILALA ng Games and Amusements Board (GAB) si Benjamin Mananquil bilang ‘Boxer of the Month’ para sa buwan ng Pebrero.

MANANQUIL: Boxer of the month ng GAB

MANANQUIL: Boxer of the month ng GAB

Impresibo ang laban ng27-taong-gulang na si Mananquil kontra Japanese fighter na si Tenta Kiyose na tinalo niya via unanimous decision para sa orld Boxing Organization (WBO) Asia Pacific bantamweight title nitong Pebrero 10 sa Japan.

Ito ang ika-17 panalo ng pambato ng Sanman Promotions sa 21 pro fights. Mayroon din siyang tatlong draw, isang talo at apat na knockout win.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sinundan niya ang pagkakahirang kay WBC Asia Continental flyweight champion Ricardo Sueno Jr. na napili naman bilang GAB Boxer of the Month para sa Enero.

Tinalo sa pamamagitan ng unanimous decision ng tubong Negros Occidental na si Sueno ang taga-Negros Oriental na si Dionel Diocos noong Enero 26 para makopo ang titulo.

Ang 24-anyos na si Sueno ay may ring record na 9 wins, 2 losses, 4 draws at 3 KOs.

Nakatakdang pumili ang GAB ng Boxer of the Month para sa Marso sa susunod na linggo.