APRIL na at inakala ng marami na patapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano, dahil namatay na ang mag-amang Lucas Cabrera (Edu Manzano) at Brandon Cabrera (Mark Anthony Fernandez) sa serye, at nahuli na rin ang lahat ng galamay nila maliban kay Renato Hipolito (John Arcilla).

coco

Sabi ng mga nagtanong sa amin, natatandaan nilang Marso 2018 nang ihayag na matatapos ang action serye ni Cardo Dalisay (Coco Martin), pero sinagot namin na walang definite date na ibinigay dahil hanggang kumikita at mataas ang ratings ng programa ay hindi ito tatapusin.

Nagulat ang mga nagtanong dahil mukhang mahaba-haba pa nga ang lalakbayin ng kuwento ng Ang Probinsyano dahil balik na sa pagkapulis si Cardo. Pumasok na rin ang karakter ni Lorna Tolentino bilang si Lily Ann Cortez, na hindi namin alam kung kaaway o kakampi ng mga Vendetta. Pasok na rin sa top-rating serye sina Rey Malonzo, bilang head of police ng nagbabalik na presidente ng Pilipinas na si Oscar Hidalgo (Rowell Santiago).

Jomari Yllana, natapos na sa master's degree; Abby Viduya, super proud sa mister

At dahil kailangang mahuli si Hipolito, kailangan ng bagong matinik na alagad ng batas na gagawa nito, kaya nitong Biyernes ay pumasok na rin sa serye ang karakter ni Raymart Santiago, na sa tingin namin ay magkakaroon sila ng conflict kay Cardo.

Sa pagkakaalam din namin at may papasok ding bagong kontrabida sa buhay ni Cardo, na hindi pa namin puwedeng banggitin ang pangalan hanggang hindi pa siya nagte-taping, dahil baka naman hindi matuloy.

Kapag natuloy ang kontrabidang ito ay tiyak na malaking sakit ng ulo na naman siya ng Vendetta, dahil mala-Jhong Hilario ang karakter niya bilang si Homer/Alakdan.

Nananatiling nangunguna ang Ang Probinsyano sa ratings game sa nakalipas na tatlong taon at pitong buwan.

-Reggee Bonoan