ISA na namang Pinoy boxer ang lumikha ng malaking upset sa Japan makaraang patulugin ni No. 2 Filipino lightweight Reymond Yanong si Ryuki Ishii sa 5th round ng kanilang sagupaan nitong Abril 1 sa Korakuen Hall sa Tokyo.

Itinigil ni Japanese referee Tetsuya Iida ang laban eksaktong 2:16 ng 5th round nang bumagsak at ma-groggy si Ishii sa matinding kombinasyon ni Yanong.

Ito ang unang laban ni Yanong mula nang matalo via 3rd round knockout kay Jheritz Chavez sa kanilang sagupaan noong Marso 3, 2018 sa San Pedro, Laguna para sa Philippine super lightweight title.

Napaganda ni Yanong ang kanyang kartada sa 10-4-1 na may 9 pagwawagi sa knockouts samantalng bumagsak ang kartada ni Ishii sa 9 panalo, 4 talo na may 5 pagwawagi sa knockouts.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa undercard ng laban, natalo naman sa super bantamweight Alvin Medura ng Pilipinas sa 6-round unanimous decision kay Haruki Ishikawa ng Japan.

-Gilbert Espeña