Patay ang isang ginang, na biyuda ng isang pulis, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng kanyang restobar sa Sta. Ana, Maynila, nitong Miyerkules.

NINJA_ONLINE

Dead on the spot si Maricel Padpad, 45, may-ari ng Mad Wings Bar and Restaurant, ng 2147 Silahis Street sa Sta. Ana, Maynila.

Si Padpad ay biyuda ng dating miyembro Quezon City Police District na si SPO3 Dennis Padpad, na inaakusahang miyembro ng "ninja cops" na kabilang sa narco-list ni Pangulong Duterte, at una nang napatay ng riding-in-tandem sa isang gym sa Sta. Ana, Maynila noong 2017.

Sa ulat ni PCpl Mark Daniel de Guzman, ng Manila Police District- Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), naganap ang krimen sa loob ng restobar na matatagpuan sa Tejeron St., kanto ng Syquia St., sa Sta. Ana, dakong 11:10 ng gabi.

Probinsya

Lalaking umaaray sa sahod, pinagnakawan kita ng tindahang pinagtatrabahuhan

Nakaupo umano ang biktima malapit sa entrance door ng bar nang lapitan ng gunman at pinagbabaril.

Sa pagbulagta ng biktima, tumakas ang mga salarin, sakay sa motorsiklo, patungo sa direksiyon ng Tejeron Street.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Mary Ann Santiago