INILUNSAD nina Prince Harry at asawa niyang si Meghan, ang kanilang sariling Instagram account nitong Martes, @sussexroyal, at ito ang pinakabagong hakbang na ginawa nila bago isilang ang kanilang panganay.

(Eddie Mulholland/Pool via AP)

(Eddie Mulholland/Pool via AP)

Una rito, nag-post ang couple sa account na pinangangasiwaan ng Kensington Palace, ng mga larawang kuha sa aktibidad nina Prince William at pamilya nito.

Noong nakaraang buwan, kasabay ng anunsiyong lilipat na sila mula London sa Frogmore Cottage sa Windsor Estate, na kanlurang bahagi ng capital, ipinahayag din ng Duke at Duchess of Sussex, na papalitan nila ang lahat ng kanilang communications staff.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Welcome to our official Instagram; we look forward to sharing the work that drives us, the causes we support, important announcements, and the opportunity to shine a light on key issues,” caption ng royal couple  sa kanilang unang post.