P842M, bigay ng PAGCOR sa rehabilitasyon ng RMSC at Philsports

IPINAHAYAG ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na tanging ang PhilippineSoutheast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na kinabibilangan niya bilang co-chairman ang opisyal na grupo na pakner ng pamahalaan sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games hosting sa Nobyembre.

RAMIREZ: Itataas namin ang kalidad ng mga atleta.

RAMIREZ: Itataas namin ang kalidad ng mga atleta.

Sinabi ni Ramirez na hindi kargo ng ahensiya ang anumang gusot o internal na problema sa PHISGOC, ngunit handa ang pamahalaan na ipagkaloob ang karampatang ayuda batay sa itinatadhana ng batas, higit sa rugulasyon ng Commission on Audit (COA).

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

“Hindi kami nakikialam sa internal problem ng PHISGOC, but all transaction pertaining sa SEA Games preparation is course through the group na binuo ng POC at PSC,” sambit ni Ramirez.

Nagkaroon ng kalituhan kung sino ang nagpapatakbo ng SEA Games preparation matapos magbuo ng hiwalay na PHISGOC na registered sa Securities and Exchange Commission (SEC) sina POC president Ricky Vargas, kasama ang mga deputies niyang sina Pato Gregorio at boxing sec-gen Ed Picson.

Sa SEC registered group, hindi kasama sina dating Foreign Affair Sec. Allan Peter Cayetano at Ramirez.

Batay sa regulasyon ng SEA Games Federation, ang POC bilang National Olympic body ang may karapatan para magbuo ng organizing committee kasama ang PSC at appointed official mula sa pamahalaan.

“Maayos naman ang trabaho namin sa PHISGOC. Although nagkaroon ng delay sa budget, tuloy naman tayo sa trabaho. Sa budget, siyempre susundin natin ang rules ng COA,” pahayag ni Ramirez.

Ibinida ni Ramirez na naglaan ang Philippine Amusement and Gaming Cirporation (PAGCOR) ng hiwalay na P842 milyon para matustusan ang pagsasaayos ng 19 na sports venue sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at sa Philsports sa Pasig City.

“PAGCOR already told as with the release of the budget. Magagamit na natin ito. Hiwalay pa ito sa monthly remittance nila sa PSC. Right now, naayos na namin ang dormitories at dining hall ng mga atleta,” ayon kay Ramirez.

Sa inaasahang malaking pagbabago sa RSMC at Philsports, posibleng hindi na matuloy ang naunang plano na ilipat ang training center ng mga atleta at ang PSC office sa Subic.

Tumanggi naman si Ramirez na magkomento hingil dito