Dahil umano sa napabayaang bentilador, nagliyab ang isang sub-fire station sa Valenzuela City, nitong Lunes.

FIRE_ONLINE

Naabo ang unang palapag ng two-storey building ng Poblacion Sub-Fire Station sa Barangay Poblacion sa nasabing lungsod.

Sa pagtawag ng may akda sa Valenzuela Fire Station, na pinamumunuan ni Supt. Rodrigo Reyes, tumanggi si FO1 Jasmin Joseph na magbigay ng karagdagang detalye hinggil sa insidente.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sinasabing sinabon ni Mayor Rex Gatchalian ang mga kawani ng Poblacion Sub-Fire Station, dahil wala umanong tao sa unang palapag ng gusali kung saan umapoy ang electricfan.

Walang iniulat na nasaktan sa sunog, na naapula makalipas ang halos 15 minuto.

-Orly L. Barcala