Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang “Sexiest Woman Alive.”

CATRIONA

Inilabas ng Men’s magazine, ang Esquire Philippines, nitong Lunes ang bagong digital cover ng magazine kung saan nakasuot si Catriona ng one piece black swimsuit, habang nakahiga sa bathtub.

“The sensuous and intelligent Catriona Gray—Esquire Philippines’ Sexiest Woman Alive 2019—makes us believe that God is a woman,” caption ng Esquire Philippines sa litratong ipinost sa Facebook.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakasulat naman sa cover: “MISS GRAY WILL SEE YOU NOW”, na ang tinutukoy ay ang nobela at pelikulang “Fifty Shades of Grey.”

Ayon sa Esquire Philippines, ang honorific title ay para sa “women who have made an impact, women who are unapologetic about their smarts, and women who make a career out of simply being awesome.”

Tinalakay sa profile feature, na isinulat ni Audrey Carpio, ang buhay ni Catriona bago pa man niya tanghaling Miss Universe, patikular ang kanyang kabataan, ang mga pagsubok na hinarap niya sa modelling, at kung paano siya napasok sa charity sa pamamagitan ng NGO.

Pinag-usapan din sa artikulo kung paano tinitingnan at itinuturing ni Catriona ang pageantry sa kasalukuyan.

Ang mga larawan ay kinunan ni Dookie Ducay.

Si Catriona ang ikaapat na Filipina Miss Universe.

Noong 2016, itinanghal din ng Esquire Philippines si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang “Sexiest Woman Alive.”

-CARLO ANOLIN