Hindi itinuturing ni Pangulong Duterte ang kanyang sarili bilang bayani na karapat-dapat mahimlay sa Libingan ng mga Bayani—kaya naman ipapa-raffle na lang niya ang puwesto niya roon.

TOTO LOZANO/PRESIDENTIAL PHOTO

TOTO LOZANO/PRESIDENTIAL PHOTO

Sinabi ni Duterte na mas gusto niyang ma-cremate at mailibing sa tabi ng kanyang mga magulang sa Davao City kaysa mahimlay sa Libingan sa Taguig City.

“When I die I want to go where my father and mother are. Doon lang ako sa kanila kung saang sulok ng universe,” ani Duterte.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

“Ibalik lang ninyo ako doon sa nanay pati tatay ko. Pabayani-bayani ka diyan, eh, hindi naman ako bayani.”

Sinabi ng Pangulo na naibilin na niya sa kanyang mga anak na ipa-cremate siya at ilibing sa museo ng kanyang pamilya kapag pumanaw na siya, at idinagdag na puwede ngang ipa-raffle na lang niya ang puwestong nakalaan sa kanya sa Libingan ng mga Bayani.

“Kaya sinong gustong malibing diyan sa bayani—‘yang Libingan ng mga Bayani? Because ang mga inilibing diyan pres—ah, mga president, pati mga sundalo.

“Ngayon kung gusto mo ipa-raffle ko ‘yan dito ngayon, ibigay ko sa iyo ‘yang puwesto ko. Sige, ikaw magbayani-bayani d’yan,” ani Duterte.

Kabilang sa mga maaaring ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga nagsilbing presidente ng bansa, mga ginawaran ng Medal of Valor, mga naging chiefs of staff ng Armed Forces of the Philippines, mga sundalo, at mga National Artists.

-Genalyn D. Kabiling