Patay sa pamamaril ang isang konsehal sa Moises Padilla, Negros Occidental ngayong Linggo ng umaga.

Councilor Jolomar Bañares Hilario

Councilor Jolomar Bañares Hilario

Batay sa report mula sa Police Regional Office (PRO)-6, kinilala ang pinaslang na si incumbent Moises Padilla Councilor Jolomar Bañares Hilario, na re-electionist sa Mayo 13.

Natutulog ang 51-anyos na konsehal nang dumating sa kanyang bahay sa Barangay Inoligan ang mga truck na kinalululanan ng 50 armadong lalaki, pasado 6:00 ng umaga ngayong Linggo.

National

Chinese na may dala umanong ‘spy equipment,’ inaresto ng NBI malapit sa Comelec

Nang pumasok sa bahay ng opisyal, nagpakilala umano ang mga armado bilang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Dumiretso umano ang mga suspek sa kuwarto ni Hilario at pinagbabaril ito bago nagsitakas.

Dinala si Hilario sa malapit na klinika, pero hindi na siya umabot nang buhay dahil na rin sa maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

-Tara Yap