Tiniyak ng pamahalaan ng China na walang mali sa kasunduan na magpautang ito sa Pilipinas ng P3.69 bilyon para sa Chico River Pump Irrigation Project, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Justice Secretary Menardo Guevarra

Justice Secretary Menardo Guevarra

Sinabi ni Guevarra na ito ang ipinahayag sa pagpupulong nila ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua nitong Biyernes, Marso 29.

Nagtungo ang Ambassador sa tanggapan ni Guevarra sa Department of Justice (DoJ) nitong Biyernes ng hapon, upang talakayin ang ilang usapin na kinapapalooban ng loan agreement.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

"He just said the loan agreements were negotiated carefully between our economic team and their Chinese counterparts in the spirit of cooperation," pagsisiwalat ng DoJ chief.

Sa kabilang dako, tumanggi si Guevarra na magbigay ng karagdagang detalye hinggil sa loan agreement.

"I'd rather let him make that statement to the public," ayon kay Guevarra, na ipinagdiinan na iyon ay sensitibong isyu.

Una nang nagbigay ng pahayag si Guevarra hinggil sa loan, na ayon sa mga kritiko ay mapahamak para sa Pilipinas sa pagkonsidera sa paggamit sa Reed Bank bilang collateral.

Ipinagdiinan niya na ang loan ay masyadong maliit para sa hindi mabayaran ng Pilipinas.

"I don't think we even have to think about that problem in the future because the intention of the government is to honor all of its loan obligations," aniya.

Binanggit ang Department of Finance (DOF), idinagdag ni Guevarra na "nothing unusual about this contract.”

“It's something like a template that has been used in so many other loan agreements. So, I guess we are just really worrying too much." ayon sa secretary.

Jeffrey G. Damicog