ISA nga sa unang tatlong finalists ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang The Panti Sisters nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables.
Sa media announcement nitong Huwebes ay hindi nakarating si Paolo, dahil may nauna siyang commitment, base sa pahayag ng direktor ng pelikula na si Perci M. Intalan.
Naroon naman sina Martin at Christian, kaya kinumusta sa kanila kung paanong katrabaho si Paolo?“Magaling (na aktor), at naniniwala akong magiging maganda ang kalalabasan (ng pelikula),” sabi ni Christian.
“Si Christian first time kong makaka-work,” sabi naman ni Martin. “Napanood ko ‘yung Die Beautiful at nakita ko kung anong (atake) ang ginawa niya as Barbs. Siyempre na feel ko ‘yung pressured ako, pero naisip ko at some point kailangan mo ring gumawa ng sarili mong version na lang, so parehas kaming Barbs, kaya excited ako na finally ‘yung Barbs na napanood ko sa Die Beautiful. Eh makakasama ko na rin kasi si Christian, Best Supporting Actor, kaya alam ko (‘yung kakayahan).”At dahil pare-parehong nakagawa na ng gay roles, hindi ba posibleng magkaroon sila ng sapawan?
“Feeling ko hindi naman,” ani Martin. “Well, ‘yung sapawan pakitaan ng strength ng bawat isa. I’m sure sa story mapapakita ‘yung bawat contrast ng bawat characters. So for sure magkakaroon kami ng chance to shine on our own. ‘Yung combination ng ganunan namin is maganda.”
Kinailangang magbawas ng timbang ang tatlong bida dahil magsusuot sila ng swimsuit sa movie.
“Magba-volleyball kaming naka-swimsuit,” sabi ni Christian.
“Imaginin n’yo na ‘yung ipitan na magaganap,” hirit naman ni Martin.
“Baka mamaya, sa volleyball namin, may mga, ‘Hello, world!,” napangiting sabad ni Christian.
Samantala, nabanggit din ni Christian na kung magkakaroon siya ng leading lady sa The Panti Sisters ay si Sue Ramirez ang gusto niya, dahil nahuhusayan siya sa aktres.
Anyway, itinanggi ni Christian ang lumabas na balitang hindi na siya gagawa ng gay role, at baka raw na-misinterpret siya sa naging pahayag niya sa guesting niya sa Tonight with Boy Abunda.
“Ang sabi ko po sila (Boy Abunda) ang mamimili (ng roles) bilang manager ko, kung ‘tatanggapin ko ba ito, o tatanggapin ko ito?’,” ani Christian.“Pero ako, kahit pa (role ng) lamok ‘yan, gagawin ko ‘yan, hanggang naku-quench niya ‘yung thirst ng passion ko. Kahit ipis pa ‘yan o gagamba,” nakangiting sabi ng aktor.
Ilang beses nang nagbida sa mga pelikula si Christian, pero sa telebisyon ay nananatiling supporting roles ang naibibigay sa kanya.
“Hmm, bahala na si God. Hindi naman ako nagmamadali, basta mabigyan ako ng (project) na makakapagpanatag ng soul ko bilang isang aktor, like gusto ko ng karakter na buhay.
“Okay din naman ang light project, nagkataon lang na ang mga offer sa akin ay mabibigat. Pero kung may offer na light, gusto ko rin, kasi acting pa rin naman ‘yan,” ani Christian.
Anyway, patapos na ang seryeng Halik nina Sam Milby, Yam Concepcion, Yen Santos, at Jericho Rosales at masaya si Christian, dahil hindi pa tapos ang programa ay may offer ulit sa kanyang bagong TV project.
“Bukod po sa serye, may films din po, pang-apat ito (The Panti Sisters),” aniya. “Maayos naman po ang timeline kaya hindi naman magsasapawan.”Sisimulan na pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo ang shooting ng The Panti Sisters, base sa pahayag ni Direk Perci.
-Reggee Bonoan