Nasa P2 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok habang tatlo ang sugatan nang sumiklab ang apoy sa isang residential area sa Makati City, ngayong Biyernes.

SUNOG_ONLINE

Sa inisyal na ulat ng Makati City Fire Department, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Cherry Tanael, sa Mascardo Street, Barangay Bangkal sa nasabing lungsod, bandang 6:20 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang anim pang bahay at isang warehouse sa Malvar Street.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Nasugatan ang tatlong residente matapos na tumulong sa pag-apula ng apoy, na umabot sa ikaapat na alarma bago tuluyang naapula sa ganap na 8:55 ng umaga.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.

-Bella Gamotea