‘TILA may katotohanan ang naging pahayag ng isang beteranang lady producer na hindi na uso ngayon ang mga love teams ngayon. Wala na raw itong hatak sa takilya.
Exceptional na lang siguro ang strong love team ng real life sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na tumabo ng milyones ang huli nilang movie na The Hows Of Us.
Pero sa bagong movie ni Kathryn, itinambal siya kay Alden Richards with Cathy Garcia-Molina as the director. Well, with Miss Cathy at the helm, we smell a potential hit in the making.
Bago rin ang leading man ni Julia Barretto sa Between Maybes, sa katauhan ni Gerald Anderson, at hindi na ang boyfriend niyang si Joshua Garcia.
Sa Viva camp ay rest muna si James Reid bilang leading man ni Nadine Lustre, na si Carlo Aquino ang nakatambal sa Ulan. May project din si James na hindi si Nadine ang leading lady niya.
Bubuwagin na rin kaya ang love team nina Liza Soberano at Enrique Gil, na ang layo ng agwat ng kinita ng last movie nilang Alone/Together, kung ihahambing sa gross ng The Hows Of Us ng KathNiel. Nevertheless, hindi ito flop.
A welcome and refreshing change na mapanood ang paghihiwalay ng mga love teams para ipareha with different leading men. Ang advantage nito ay they will mature and grow as an artist.
-REMY UMEREZ