“DATING but nothing serious, wala pa talaga kasi kung I have (a boyfriend) aaminin ko naman talaga.”

Vina

Ito ang sinabi ni Vina Morales nang makatsikahan naming siya sa pagbubukas ng 23rd Ystilo Salon branch sa Sta. Lucia Mall nitong Sabado, Marso 23, na ang franchisee ay sina Ms Isabel Col-long at Dr. Emerson Oliver.

Sa Oktubre ay 44 years old na si Vina, at kung sakaling hindi pa rin siya makakatagpo ng lalaking makakatuluyan niya ay okay lang sa kanya. Willing siyang maghintay, at hindi naman siya natatakot sa kasabihang baka mahirapan siyang manganak dahil may edad na siya, dahil nakapag-save na siya ng egg cells niya.

AC Bonifacio, cool na sinagot basher na nagsabing mamatay na siya

“Oo, nagpa-freeze naman na ako, kaya hindi ako masyadong stressed kung wala pa,” sabi ng aktres.

At nabanggit nga na successful ang mga kilalang personalidad sa showbiz na dumaan din sa kaparehong proseso, ang in vitro fertilization.

“Oo naman, okay pa naman ako (may kakayahang mabuntis). Ang gusto ko sana boy, pero si Ceana gusto niya girl para may kalaro raw siya. Pero kung ako tatanungin gusto ko boy talaga,” sambit ni Vina.

Anyway, hiningan namin ng update si Vina tungkol sa kasong kidnapping na isinampa niya laban kay Cedric Lee, ang tatay ng anak niya.

“He was found guilty sa pinayl kong kidnapping sa RTC Branch 277 Mandaluyong City, but nag-motion siya so, it’s still ongoing, but at least may guilty (verdict) na. So, I’m happy na ganu’n ang outcome sa Mandaluyong,” sabi ni Vina.

Kasalukuyang nakalalaya ngayon si Cedric dahil sa bail.

“But I still have my custody case sa San Juan and is ongoing. Ako naman I’m just fighting back for my daughter, so I’m doing everything for my daughter.

“And then merong ongoing pa rin na cyber libel (ikinaso ni Cedric kay Vina) in Caloocan at Quezon City. But I’m very positive naman na madi-dismiss, kasi ‘yung iba na-dismissed na (tulad) sa Nueva Ecija, Pasig, Parañaque. Inikot ko na nga, eh, para nga akong may mall tour, pero ito court tour,” aniya, sabay tawa.

“I’m not scared, and thankful naman ako kasi my lawyer is a family friend, si Atty. Lucille Sering. Positive kami na it would be on our side, in our favor ‘yung magiging outcome.”

Alam daw lahat ni Ceana ang mga gusot sa pagitan nila ni Cedric.

“Oo alam niya. She’s very smart. Alam niya ‘yung nangyayari, kasi ngayon mag-Google ka lang malalaman na. I can’t hide na and I don’t want to hide naman to her (Ceana). At saka right din naman niyang malaman kaya sinabi ko na ‘ganito ‘yung mga kasong pinayl ko at mga kasong pinayl din sa akin’,” kuwento ni Vina.

Sa ngayon ay hindi raw hinahanap ni Ceana ang daddy niya.

“Hindi eh, she’s not asking,” mabilis na tugon ng aktres.

Nabanggit din ni Vina na magiging abala na siya sa susunod na mga buwan dahil sisimulan na niya ang teleseryeng Sandugo, na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Ejay Falcon.

Bukod dito, patuloy pa rin ang pagtugtog ng awitin niyang Eres Mio.

“’Yung Vina 30, it’s still out so they can download na sa Spotify, iTunes. Hopefully, mag-start naman ako ng promo ng ng second single ko in the same album. But for now ito munang Eres Mio.

Samantala, masayang-masaya ang magkakapatid na Magdayao dahil may 23 na silang branches ng kanilang salon, at timing naman ang pagbubukas na dalawa nilang branches sa Marquee Mall na ang franchisees ay sina Mr. Romeo Arceo, Ms. Marissa Arceo, at Ms. Angelika Arceo; at sa Sta. Lucia Mall, habang hindi pa abala si Vina sa taping ng Sandugo, mula sa Dreamscape Entertainment.

“Oo, kailangan. Kasi nga ako in-charge sa marketing, si Ate Sheila (Magdayao) naman sa operations kaya hati-hati kami ng trabaho,”sabi ng aktres.

“It’s summer time at maraming promos, kaya sana makadalaw sila sa lahat ng Ystilo Salon branches.

“For 20 years, we’re very happy that Ystilo Salons are doing well. Marami kaming inquiries for franchise kaya thank God.”

Sa 23 branches, 19 ang franchise at apat ang company-owned.

“Marami kaming loyal clients kaya nakakatuwa. Meaning happy sila talaga sa kanilang branch kaya umuulit sila. Kasi kami talagang inaalam namin ang traffic ng bawat puwesto, like sa mall. Dapat talaga sa mataong lugar at inaaral talaga namin.

“Ang pinakamalakas at laging nanganganak,” aniya, sabay tawa, “I think ang pinakamalakas is our Mall of Asia, kasi bigger area ‘yun, kaya pinupuntahan talaga siya. Lahat naman ng nasa mall malakas kasi, ‘di ba while you’re shopping or waiting napapa-salon ka,” masayang kuwento pa ng aktres.

-REGGEE BONOAN