CEBU CITY – Nasa kritikal na ngayon ang supply ng tubig sa Cebu dahil na rin sa epekto ng tag-init sa bansa.
Ayon kay Community Relations and External Affairs chief, Charmaine Kara, ng Metro Cebu Water District, nakararanas na sila ng mababang supply ng tubig sa kanilang lugar bago pa ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng summer, kamakailan.
Aniya, aabot na lamang sa 43 porsiyento ng pangaingailangan nito sa domestic at commercial sector sa walong local government unit ng lalawigan ang isinu-supply nila habang ang natitirang 57 porsiyento ng water demand ay nanggagaling na lamang sa iba pang private water providers.
-Minerva BC Newman