MAY bagong world tour ang Backstreet Boys at muli silang magtatanghal sa Pilipinas sa October.

Backstreet Boys

Inanunsiyo ng Philippine Concerts nitong Martes na dadalhin ng 90’s boyband ang kanilang DNA World Tour sa Manila sa October 28, 2019.

“Asia! We heard you We are so excited to bring the #DNAWorldTour to you this October!” post ng Backstreet Boys sa Twitter.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Bukod sa Manila, magtatanghal din ang American group sa Japan, China, Thailand, Taiwan, Indonesia, at Singapore.

Noong 2012, nagtanghal ang Backstreet Boys sa Manila kasama ang New Kids on the Block at bumalik tatlong taon ang makalipas noong 2015.

Hindi na iniaanunsiyong kung magkano ang ticket para show ng banda.

Ang I Want It That Way, As Long as You Love Me at Quit Playing Games, ay ilan lamang sa napakaraming hits ng banda.

-MARJALEEN RAMOS