MALAWAK at matatag na ang fan base ng love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, na ngayon ay muling napapanood sa bagong GMA teleserye na Sahaya.

Miguel copy

Sa istorya, childhood friends ang dalawa who play Badjao characters. Papasok sa eksena si Migo Adecer, a city boy, at dito mabubuo ang love triangle sa istorya.

In real life, minsang tinangka ni Miguel na ligawan si Bianca pero sinunod niya ang payo ng lola ng dalaga na they are both young.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Naniniwala naman si Miguel na true friendship ang pinakamainam na foundation ng isang romantic relationship.

“Basta kami ni Bianca, we are good friends at comfortable kami sa isa’t isa,” sabi ni Miguel.

Maraming underwater scenes ang Sahaya at kinailangang matuto sila pareho on how to dive and swim. Nag-aral din sina Miguel at Bianca ng kultura at pamumuhay ng mga Badjao.

-REMY UMEREZ