Bilang na ang araw ng mga terminal ng pampasaherong bus sa EDSA dahil sa napipintong pagkansela sa mga business permits nito.

TERMINAL_ONLINE

Sa pulong ngayong Martes sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na nagbabawal isyuhan ng business permits ang lahat ng public utility bus terminals at operators at iba pang pampublikong sasakyan sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, ang inaprubahang regulasyon ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang lahat ng bus terminals sa EDSA.

Internasyonal

Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

"Ang target natin ay tanggalin ang lahat ng bus terminals sa EDSA at i-relocate sila sa labas ng Metro Manila para mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko," pahayag ni Lim.

Base sa resolusyon, malaki ang epekto sa trapiko ng paglalabas-masok ng mga pampasaherong bus at iba pang pampublikong sasakyan sa kani-kanilang terminal sa EDSA.

"Magsasagawa tayo ng dry run pagkatapos ng Semana Santa sa Abril para makapaghanda ang mga operators at mga pasahero," ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia.

-Bella Gamotea